Ilang linggo na rin akong me crush sa isang tao. Sarap ng feeling! Parang nasa high school ako ulit! Taena pag nalaman ng crush ko na crush ko siya I will crush someone.
Saya nga e, kasi aside from day dreaming, which I think is a very good past time at pampawala ng pagkabagot ko sa trabaho (medjo wild kasi ang aking imagination), sarap din mag-overanalyze - pati mga minute details binibigyan ng kahulugan kahit wala naman talaga. Para akong timang pero masaya lalo na pag napag-uusapan ng mga girl friends and ditches ang tungkol sa crush mo.
Ang kaibahan nga lang ngayon at nung high school ay hindi ako umaasa na mapapansin niya ako. And it's perfectly ok. Besides alam ko ang mga tipo ng babaeng gusto niya at hindi ang tipo ko ang gusto nya. Di na rin ako naglalaway at nalalaglag ang panty kapag nakikita ko ang crush ko. Nagwawater-water lang.
Pero ang takot na malaman ng crush ko na crush ko siya ay andun pa rin...ang pakiramdam ay walang pinagkaiba nung high school pa lang ako. Siyempre takot ako sa rejection e. Sino ba naman ang hindi di ba? (Marami na rin kasi akong nabasted in the past tapos may isang tao pa ako na binitin ko siya kaya takot din akong makarma.) At ang matatapang lang ang nakagagawa ng mga hakbang tungo sa kanilang kaligayahan. Malas ko na lang dahil duwag ako. At kiber mo.
No comments:
Post a Comment