Daming nagsasabi na maganda ako (tsaros!)...di lang ng nanay ko ha...tulad nung isang araw...
Nagbabantay kasi ako sa shop namin at andun si Rency. Sinabihan ako na ang taray ko daw tapos sabi ko syempre sabay taas ng kilay at ngiti. Bigla ba naman pinisil ang pisngi ko na may halong panggigigil sabay sabi na ang ganda ganda ko daw! Ilan sa mga malalapit niyang mga kaibigan ang nagsabi sa akin na may gusto nga itong Rency na ito sa akin at balak manligaw pero sus ginuu wala naman nangyayari.
Ok lang. Di ko naman siya type at wala talaga akong pagkagusto sa kanya. Pero kung maganda nga ako gaya ng sinasabi ng ibang tao, eh bakit wala pa rin akong boyfriend ngayon? O bakit at least walang nanliligaw sa akin ulit ngayon?
Nakakatakot ba ako?
OO na, mayabang ako.
No comments:
Post a Comment