Hanga ako sa paraan ng pagpapalaki ng mga magulang ko sa akin. Very open minded, maprinsipyo nasa katuwiran nasa lugar bagama't aminado ako na may pagka-konserbatibo at medyo strikto ang kanilang paraan, hinahangaan ko ang pagiging bukas ng kanilang mga isipan.
Isa sa mga ugali o values na natutunan ko sa kanila ay ang pagiging matapat at open. Kasama na din dito ang pagiging pranka at confrontational. Ito naman ang madalas ko na marinig sa kanila.
Tinanong ko pa nga ang papa ko...masama ba kung i-confront mo ang magulang mo sa mga maling gawain nila o sa mga bagay na ikinasasama mo ng loob sa kanila? Sabi ng papa ko hindi daw at nasa tamang edad na daw ako para punahin at sabihin dun sa tao tungkol sa kanilang mga kamalian o mga masasama o di kanais nais na mga gawain at ugali.
Gayon nga ang ginawa ko nung Linggo. Kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapansin ng mama ko. Waaah sorry na!
No comments:
Post a Comment