10.11.2005

Wanted ABC

Isa sa mga ginagawa ko pag nagmamaneho ako maliban sa pagkanta ng malakas ay ang magbuo ng ABC sa pamamagitan ng pagtingin sa unang letra ng plaka ng mga sasakyan na nakakasalubong ko. Pampawala rin kasi ng pagkabagot at pagkainis habang nagda-drive. Daming stupid drivers kasi, eh mainitin pa man din ang ulo ko pag nagmamaneho.

Nag-umpisa ito nang minsang makisabay ako sa aking kaibigan at bigla nyang sinabi na 'uy may (plakang) A na pala!' Sa loob loob ko...eh ano ngayon? Tapos mula noon tinitingnan ko na ang mga plaka ng mga sasakyan. Ang babaw ko pero natutuwa ako pag nakikita ko yung ilan sa mga mahihirap na hanapin na mga letra tulad ng G, E, N, Y, H, F - Y na hinintay ko ng dalawang linggo bago nagpakita...yung iba, madaling makita.

Ang mga letrang hindi ko pa nakikita ay ang I, O at Q na lang. Mukhang challenging ito ah. Balitaan nyo ako pag me nakita nyo ang mga letrang ito.

Mas masarap pa rin ang Yakult kesa Chaymito.

No comments: