Kahapon tinititigan ko ang aking anino...naaaliw ako...payat kasi ako dun...
*****
Nakakaaliw talaga ang iba't ibang reaksyon ng tao kapag nakakita sila ng isang tao hindi conventional. Mahilig ako maglakad sa loob ng campus dahil mahilig akong mag-obserba ng mga tao.
Kakatuwa na karamihan sa mga kabataan ngayon (o mga lower batches para hindi naman ako magmukhang masyadong matanda dito) ay mga conformists.
Noong kapanahunan ko naman dito sa campus - late 90's lang naman - ay napapansin ko na wala masyadong pakialam ang mga kabataan sa kanilang kasuotan o itsura.
Wala akong pakialam kung ang aking pantalon ay may punit na sa laylayan kahit na napapagalitan na ako ng mama ko. Ni hindi ko inisip kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa akin (malamang naiisip na nila...wala bang pambili ng pantalon ang magulang ng batang yan?!). Wala akong pakialam kung pambahay man na t-shirt ang sinusuot ko pag pumapasok ako. Tutal ikalawang bahay ko naman talaga ang dlsu. Kung ano ang kumportable sa aking balat yun ang sinusuot ko.
Ngayon, nakakaaliw tingnan ang mga kabataan sa kanilang mga kasuotan, istilo ng buhok (di ko alam kung sinunog, sadyang nasunog o di lang nagsuklay talaga), mga accessories - kung iisipin mo, yan ba ang naghihirap na Pilipino???
Madalas nagtatalo sa utak ko kung ang mga kasuotan, mga istilo, kagamitan atbp. nila ngayon ay tanda ng pagiging individualistic o pagpapahayag ng kanilang ekspresyon O pagiging conformist dahil yun ang mga nauusong kasuotan sa ngayon na madalas nating nakikita sa mga telebisyon at pelikula?

Amazing din ang iba't ibang interaction at reaksyon o pakikitungo ng mga tao sa klase ng pananamit ng kanilang kapwa tao. Minsan, kahit di sinasadya, hinuhusgaan natin ang isang tao sa uri ng kanyang pananamit. At guilty ang karamihan sa atin nito.
*****
E bakit kung makatitig ka e isa akong weirdong tao na may coffee stirrer sa bibig na naglalakad sa campus? Walang butas yung takip ng kape ko e! Kiber mo?!
Haaay sarap ng brewed coffee :)
No comments:
Post a Comment