Magkausap kami kagabi hanggang alas-singko na ng umaga...mga tatlong oras din siguro kaming naguusap.
Ibinahagi niya sa akin ang nangyari dun sa interview niya sa inaaplayan nya na SEAP Youth Ambassador position. Ang galing! Very witty ang mga answers niya sa mga hurado. Ang galing. Talagang pinaghandaan niya ang araw na iyon.
Hindi mo aakalain na ang taong ito ay may mga problemang mabigat na dinadala. Kung hindi pa niya sinabi sa akin kagabi ang mga naging karanasan niya ng mga nagdaang taon ay hindi ko malalaman ang hirap na mga naranasan niya.
Lagi ko siyang nakikitang masaya. Noon madalas niya akong tanungin ng "Hey Mia, how do I look?" sabay posing - nakapamewang with the right foot in front of the left foot.
Sa loob ng mahigit na walong taong hindi ko pa pala siya ganung lubos na kilala. Mabagal ang pagkakakilala ko sa kanya kasi hindi naman sya ang tipo ng taong ibubuhos nya sayo ang lahat ng problema.
Strong si Francis. Kahit ano kaya nyang banggain, at taluhin ng walang takot. Hindi nangangambang mag-fail...anyway, all experience is a learning experience. Hindi kakikitaang nalosyang dahil sa mga problemang hinaharap.
In terms of relationship, magaling siyang makisama although hindi lahat ng tao ay nakakasundo ang kanyang ugali. What you see is what you get. Pranka kasi siya kaya pwedeng mailang at maintimidate ang mga kakilala nya sa kanya. Maliban lang sa ako no?! and a few of our friends.
Malalim na tao...may paninindigan at may sariling perspektibo na hindi madaling maiimpluwensyahan ng ibang tao. Ngunit mababaw ang kaligayahan. Kung ang tawa lang ay nasusukat ng salapi...bilyonaryo na sana ako ngayon.
Magaling magluto at mag-bake. Ang chocolate cake niya ang pinakamasarap na chocolate cake na natikman ko sa tanang buhay ko. Agree din ang mother ko nito. Kaya kung sino man ang makakasama nya sa bahay eh siguradong tataba. He doesn't settle for anything less sa kanyang pagluluto at maging sa ibang aspeto ng kanyang buhay.
***
Kamakailan lamang nirepresent nya ang bansa bilang youth ambassador sa Canada. I'm very proud of him sa mga na-accomplish nya sa buhay nya. Pinapakita niya kasi na nothing is impossible ang kailangan lang ay tiyaga, talino, determinasyon at kapal ng mukha na humarap sa lahat ng mga situwasyon na medyo alanganin at maselan, na baguhin ang imahe ng mga Pilipino sa ibang nasyon at itaguyod ang pagka-Pilipino, at baguhin ang depinisyon ng Pilipino sa paningin ng mga banyaga.
Ended: 6/12/07 10:43AM
No comments:
Post a Comment