Hindi ka ba nakakaranas na minsan ayaw mo na magsulat? Hindi dahil sa wala kang masabi kundi dahil walang bago...pakiramadam mo alam mo na ang lahat at napagdaanan ang mga dapat pagdaanan na nawawalan na ng katuturan ang iyong pagsusulat? Maraming mga bagong karanasan pero parang pare-parehong idea.
Napapansin mo rin ba na ang mga bagay na kinaaliwan mo noon eh boring na ngayon? Napapansin mo ba na hindi ka na mababaw? Napapansin mo na ba na nag-iiba na rin ang mga priorities at pangangailangan mo sa buhay? Nararamdaman mo ba na minsan para kang naghahabol sa oras? Na pag di pa dumating ang ganitong bahay sa yugto ng buhay mo hindi na darating kahit kelan yun? Nararamdaman mo na rin ba minsan na madalas ka nang magbalik tanaw sa nakaraan at nagiisip na kung naging iba ang mga desisyon mo iba ang buhay mo ngayon? Nagbibilang ka na ba ng mga accomplishments mo sa buhay? Binalikan mo na ba ang mga naging pangarap mo noon at natuklasan na ni-isa sa mga ginawa mong plano ay walang natupad? Ang mga dating kinatatakutan mo noon eh hindi mo na kinatatakutan ngayon? Akala mo na di mo magagawa mo noon, nagawa mo ngayon?
Dalawang ale sa loob ng dyip kung saan ako ay nakasakay ay naguusap tungkol sa kanilang mga nakaraan. Ayaw ko mag-eaves drop pero dahil sa lakas ng boses ng mga ito wala akong magawa. Sinabi nung isa na pakiramdam nya disiotso lang sya...yung isa nasa line daw ng 20's...mga singkwenta mahigit na ang mga taong ito.
Eh ano ngayon?! Katawan lang ang tumatanda? Ang kabataan ay isang idea, nagdedepende sa persepsyon ng tao. 28 ako ngayon pero pakiramdam ko singkwenta anyos na ako. Mahigit singkwenta sila pero pakiramdam nila disiotso lang sila.
No comments:
Post a Comment