3.12.2007

Taglagas

Isa sa mga karaniwang topic sa isang patay...lalo na kung matatanda ang naguusap-usap ay kung gaano na karami ang puting buhok.

Madalas din mapagusapan na kabit pala ni ano ng pinsan na pamangkin ng ano si ano na kapitbahay ni ano na taga-kabilang ibayo na nagbebenta ng ano.

Di nawawala ang sugalan at binggo.

Di nawawala ang kantahan. Minsan may banda pa talaga.

Di nawawala ang sandamakmak na pagkain. Lugaw, sopas, sandwich, mani, boy bawang, green peas, kung sosy ka may puti at bibingka ka pa. Ang walang kamatayang kape at juice na nasa tetra pak at kung nagtitipid ka pineapple juice na lasang tubig na nilagyan ng kakarampot na asukal.

Reunion ba ang pinuntahan ko? Mga tito at tita, lola at lolo, mga pinsan na nun ko lang nakilala. Plus ang buong barangay andun. This is the venue para mangampanya!

Saya!

No comments: