Since the Philippine Television is plague with numerous ad campaigns of senatoriables, might as well say something about them. Nakakaimbyerna, nakakatuwa, nakakainis...kayo na...ako pala ang huhusga.
Tessie Aquino-Oreta - The Dancing Queen
Have you seen senatoriable Tessie Aquino-Oreta's ad campaign? My gulay! Que horror!
Nagpapaawa epek pa ang lola. Eh halatang nagiinarte lang naman. Ang peke ng dating sa akin! Parang ginaya ang lola GMA dun sa ginawa nyang pagso-sorry bilang dancing queen.
Ano ba yan. Me plano palang tumakbo sa pagka-senator eh aasta-asta na parang lorka. Hindi kasi nagiisip na yung action pala na yun e gagamitin against sa kanya.
Ang sa akin lang naman kasi, kung talagang pinaniniwalaan mo na ang ginawa mong iyon ay isang matinding sagot lamang bilang pangungutya sa nagawang desisyon ng korte tungkol sa impeachment eh bakit mo babawiin yun? Sana pinanindigan na lamang nya.
Ang mega bad trip din sa kanya ay paglipat nya mula sa oposisyon papuntang administrasyon. Kung maaalala nyo (pagkat ang mga Pilipino ay masyado makakalimutin at mapagpatawad) hindi ba't siya at si Tito Sotto ang ilan sa mga nangunguna sa pagpapatalsik kay PGMA??? Eh bakit ngayon nasa puder sila ng administrasyon???
Prinsipyo nyang gawa sa hangin. Paano pa kaya nya masisilbihan ng maayos ang bansang ito?
Dancing queen talaga nga sya.
Manny Villar - The Palengke Guy/Dancing King
Nakakatuwa ang ad ano? Ipinapakita na ang Isang tao ay may pag-asang maiahon ang kanyang sarili sa karukhaan. Basta may tiyaga at pagsisikap.
Ok fine, I give you credit for that.
Hindi ka nga sumayaw habang sumusuporta sa ka sa pag-impeach kay Erap pero bakit ka nakikipagsayawan ngayon sa kanila?
Iimpeach-impeach mo si Erap tapos ngayon magkapartido kayo?
Nasan ang paninindigan at prinsipyo. This is also kind of a reflection kung ano ang gagawin mo sa senado.
Ed Angara
Isa sa mga magagandang ads na nakita ko kasi ipinapakita nya ang mga naging achievements nya. Pinapakitang pro-youth at pro-tamadans. Simple lang ang ad pero effective.
Pero syempre best foot forward. Ipapakita mo ba ang baho mo sa ads? Di ka naman hunghang di ba?
I would also say na maganda rin ang voting records, except nung yung pagiging Pro sya sa US Bases Treaty. And he seems to be a smart guy. Kung hindi lang siya kakampi (namumuno) ng opposition at kung di lang niya ginawang kabit si Lauren (ayon sa mga tsismis) eh iboboto ko sana sya.
But I have my standards.
Noynoy Aquino
Kung di lang dahil kay Kris Aquino at sa tatay mong hero at sa nanay mong naging pangulo makikilala ka kaya sa pamamagitan lang ng kakayahan mo?
His ad, although being endorsed by the famous Kris Aquino, doesnt say much. Iboboto sya ng tao out of sympathy to Cory or utang na loob dahil kay Ninoy or dahil sa sikat nyang sis na si Kris.
Just like Jamby Madrigal na nanalo dahil kay Juday...after what? 2-3 consecutive runs?
Ang layo mo sa mga magulang mo...lalo na sa tatay mo. Ano kaya sasabihin ng tatay mo sayo kung buhay sya?
Joker Arroyo
One of my favorite guys in the senate. I dont like his dragon ad though because it doesnt say anything much about his achievements except that he is the protector of the law and of the human rights.
I like his voting record - pro-environment (Biofuels act and clean air act). Perfect attendance for sessions in the congress. And he seems to be consistent with his stance on politics.
May prinsipyo at may paninindigan. Ipinaglalaban ang karapatan ng mga mamamayan. Sensible pa unlike the others.
Did you know na naging Executive Director pala sya ng ADB (Asian Development Bank)?? Astig pare! May utak talaga itong lolo ko!
Siya ang mangunguna sa listahan ng iboboto ko. Go Joker na hindi joker!
Peter Allan Cayetano
What can I say about his ad campaign on TV? Meron nga ba?
Elkch!
Hayaan mo na lang na si sis mo ang nasa senado. Mas kaaya-aya syang tingnan kesa sayo. Saka ayusin mo na rin muna ang iyong citizenship ijo ha?
You know we can't vote for an American kasi Pilipinas ito hindi US of A.
Michael "Tol" Defensor
Nung una gusto ko sya dahil lang sa dating nya sa akin. He seems to be a good sensible guy. But after seeing his ad campaign on TV, I am having second thoughts.
Grabe naman kasi 'tol!
Ano ba yung ad mo? Walang kalatoy-latoy! Nanghatak ka pa ng kung sino-sinong artista para lang iendorse ka! Feeling mo effective yun? Feeling ka masyado.
It doesnt say anything about your achievements dude or kung ano yung advocacy mo at kung ano ang magagawa mo para makatulong ka sa pagahon ng Pilipinas!
Please lang kung gusto mong manalo, i-overhaul mo ang format, tema at lahat lahat na ng ad campaign mo.
May mga batang high school ang nainterview at sinasabi nila na ang ad mo ang worst sa lahat ng ads. I dont get it and I cant relate to it.
San ba nag-aral ang mga campaign manager mo at advisers mo? Yun lang.
Francis Joseph "Chiz" Escudero
Eh ano ngayon kung nasa loob ka ng classroom kasama ng mga bata? For me, it doesnt say much. Kulang at bitin ang ad mo.
Catchy ang colors na blue and yellow, reminds me of PEP squad nung 3rd year high school ako sa SPCP. Kulang na lang maglagay ka ng cheer leaders sa background.
I would have voted for you kasi you seem to be maprinsipyo naman at may paninindigan but the fact that you’re in the opposition side makes me think twice.
Voting record is ok, except that you supported the impeachment of PGMA. At isa lang ang absent sa nakaraang mga sessions.
Your advocacy is ok, pro-poor ka, pro-tamadans, pro-humans, pro-environment. Ang dami! Makapag-focus ka kaya sa isa? At palaguin o i-elevate ang issue na yun to higher levels para mas marami kang magawa na mga programs?
Panfilo "Ping" Lacson
Nakaka-LSS ang song mo! " Si Ping! Ang kinabukasan!" But with theoutbreak of Hope-James-Kris issue, lagi kong narerelate ang HOPE ad mo kay Hope ni James. O deva may retention churva!!? Pang The Buzz ka!
Is this good or bad?
And whatever happened to the Kuratong Baleleng case??? Hmmm....
Loren Legarda
Hmp! Nakaputi ka pa feeling mo malinis ka!? Eh nagkanda letse letse na nga ang marriage mo sa asawa mong murderer tapos may ugong-ugong pa na kabit ka ni Angara!
May patanim-tanim churva ka pa pero I bet sa tanang buhay mo hindi mo pa naranasan ang magsaka!
It is sooo OA and sooo plastik!
In fairness, I like your voting record and your advocacies. But still this does not warrant you my vote mainly because of the things I mentioned above and because you are from the opposition.
Vicente Magsaysay
Ad ba yun? Kabataan barangay ano?
Di ko maintindihan ang ad nya...parang kinakain nya kasi ang salita nya.
Popular lang sya dahil sa apelyido nyang Magsaysay. I dont think he will win.
John Henry Osmena
Sana may sinabi ka na lang na something good about your advocacies or baka wala ka lang masabi na maganda?
And your ad about getting rid of EVAT? Please...kung tinanggal mo yan baka umiyak ka dahil mababawasan ng malaki ang pork barrel mo besides I believe na nakatulong ng malaki ang EVAT sa pag-awas ng utang ng bansa, pagkakaroon ng maraming trabaho ng mga PIlipino dahil sa mga investments na pumapasok din at sa mga pinapagawang istruktura at pagpapaunlad ng teknolohiya sa bansa.
Aminin ko its hard and nakakasama ng loob dahil malaki ang taxes na binabayaran mo, pero kung makakabuti naman ito sa karamihan why not? Ano ba naman yung magtiis ako ng kaunti.
And you said yes to RP-US VFA and US Bases Treaty???!!!! Subic rape case haller!!! Eh isa ka pa lang tuta ng mga kano e!
Di kita iboboto.
Francis "Kiko" Pangilinan
Kung di ka lang hubby ni Tita Shawie! Mabuti na lang at may ginintuang puso ang asawa mo at sikat pa!
Pre-ad campaign mo rin ba yung Lucky Me?!
Prospero "Butch" Pichay Jr.
"Pichay, Itanim sa Senado" very catchy!
I'd definitely vote for you not because you have a good ad campaign but because of your voting record. And feel ko (feeling kasi akong tao) na maganda ang hangarin mo para sa bayan. Saka gusto ka rin iboto ng mga magulang ko.
Plus dahil magka-alma matter tayo! Karamihan kasi mga artista ang nahuhulma ng ating beloved alma matter.
Aquilino "Koko" Pimentel
May ad ka pala? Hindi ko kasi laging nakikita e. And I always mistook your ad for someone else.
Di kasi masyado halata e. Yun ba yung may bata ka na kasama? Walang recall e.
Ralph Recto - Korecto!
Christmas pa lang may ad na sya o deva? Just like Tito Kiko with his commercial with Lucky Me! May pre-ad campaign din sya. Pakorek-korekto pa yung bunso ha.
Good voting record.
But walang dating sa akina t wala masyadong recall except for the Korekto signature which has recall talaga kasi catchy din e. Korek? !Korecto!
Sonia Roco - Ang Inang Guro
Ginagamit ang kamatayan ng kanyang asawa na si Raul Roco upang makuha ang simpatya ng mga mamamayan para siya ay iboto.
Wala ako masyado masabi sa ad campaign nya...kasi kada mapapanood ko yung ad nya nakafocus ako dun sa litrato ng asawa nya saka yung mga nakasulat sa TV Most Outstanding Student churva, Magnacumlaude chuvaness...kung ano man yung sinasabi nya wala na. Masyado nastistimulate ang visual sense ko na hindi ako makapagfocus sa sinasabi nya (kung nagsasalita nga sya)
She seems to be a very good educator considering her extensive background in education but with her little experience in law-making, will she also be a good senator? Kunsabagay andyan sina Richard Gomez at Cesar Montano aangal pa ba ako?
Luis "Chavit" Singson
Palakasin daw ang local government unitspara mas makapangkurakot at para palakasin ang illegal gambling!
Anyway, yun lang yung naaalala ko palakasin ang mga probinsya something?!
Kada makikita ko sya naiisip ko na isa syang magandang epitome of a corrupt official. Ayun lang.
Ceasar Montano
Wow! Akala ko commercial ng Likas papaya yun e o ng Gluthatione! Nasilaw ako sa kaputian ni Sunshine.
Pwede bang manatili ka na lang sa pagiging artista at direktor? Magaling ka naman bilang artist pero makakayanan mo bang maging senator? I dont think you have the knowledge, skill and experience to be one.
Ayun lang.
Vicente "Tito" Sotto III
Parang reunion ng Iskul Bukol ang dating sa akin. It doesnt say much sa mga achievements at sa kanyang advocacy. Puro blah blah blah lang narinig ko. Eh ano kung magaling makisama? Maiaahon ba nya ang bansa sa pamamagitan ng pakikisama? Malulunasan ba nya ang gulo dahil dito?
Siya ang kapartner ni dancing queen natin. And dakilang eskort! Na matapos batikusin ang administrasyon eh tumatakbo siya ngayon para sa administrasyon. Nasan ang prinsipyo mo?!
Miguel Zubiri
Di ko lang gusto sa ad mo ay ang paggamit mo ng boom-tarat-tarat. Di ka ba pwedeng maging original. Although I know it has recall pero magcreate ka naman ng sa iyo.
Yung theme o kulay na ginagamit mo eh oks naman. Pang cheer leading din ang dating pero di naman kasing sakit sa mata, di tulad ng kay Chiz. Pag nakakita ako ng green and yellow I would remember you and your advocacy for environment, agriculture, biofuels and country side development. Akmang akma!
Voting record and attendance is ok.
At gusto ko rin ang pamamalakad ng tatay mo sa Bukidnon. When I met him I felt na he's really in the position to serve the people and not the other way around. Plus maganda ang feedback ng mga tao sa Bukidnon.
Let's just hope na katulad ka rin nya and you can make a great difference in this country.
Conclusion
Considering that there's a 90% penetration rate of TV in the Urban Philippines, I just felt that the ad campaigns can make or break a senatoriable's chance of winning a seat in the senate. Malakas kasi ang impact ng impression ng mga tao base sa kung paano mo pinoproject ang sarili mo sa kanila.
Hindi naman kasi lahat nakikita ang performance at madalas nadadaas sa popularidad ng tumatakbong kandidato ang pagkapanalo nila.
Base sa mga ads na nakita ko...nakakakanegganyong iboto ang mga taong pinapakita kung ano na ang mga nagawa nya sa kanyang bayan, at kung ano pa ang magagawa nya para sa bayan at mamayan.
Sa kasalukuyan, ang mga nangunguna sa talaan ko na may magandang ad ay ang mga sumusunod: (in no particular order at hindi rin nangangahulugan na iboboto ko sila)
1. Ed Angara
2. Manny Villar
3. Miguel Zubiri
4. Prospero Pichay
Ang may mga karimarimarim na mga ad commercials ay sina:
1. Tessie Oreta-Aquino - nakakapanindig talaga ng balahibo ito! Sana itigil na lang nya talaga!
2. Mike Defensor
3. Tito Sotto
4. Vicente Magsaysay
5. Aquilino Pimentel
END.
7 comments:
dude, will you be voting for victor wood?
hindi pero...
pwedeng magbago ang isip ko depende sa kung ano ang kanyang educational background, advocacy, voting records (di ko kasi alam ang political history nya), services na nagawa na para sa taong bayan maliban sa contribution nya sa music, knowledge, skills and experience in law-making. at depende rin pala kung ano ang political party nya. i would most likely vote for someone from kampi or TU.
ikaw ba iboboto mo sya?
teka...tatakbo ba muna sya as senator?
yes, according to wikipedia, tatakbo siya. and no, hindi ko siya iboboto kasi hindi ako boboto.
although pag boboto ako, hmmm, maybe i'll think about it. haha. mercy votes, knowing hindi siya mananalo. hehehe... sama!
kung walang choice mas iboboto ko sya kesa dun sa mga GO. although i heard ok si nikki coseteng. tingnan natin.
pwede ka naman mag-absentee voting eh...punta ka sa philippine embassy dyan.
kung boboto ka sino iboboto mo?
haha, at ano ang bago?
same story, same tactic, different people.
i'm very sorry to say this, but as long as there is an easy access (meaning no stratification or rationale minimum requirement to be able to vote) in electing national officials (i.e. senators, vp and president), or to election per se, the only end goal of candidates and basis of voters is intensity of popularity.
kaya, ang eleksyon dito sa Pilipinas ay nagiging isang malaki at komplikadong news-paper-fund-drive.
-rose
truly!
alam ko medjo di ka nakakapanood ng local tv ngayon rose pero alam mo ba na yung tumatakbo na mayor sa amin ngayon na si eusebio ay may tv ad campaign na rin???
sabi nga namin e...di kaya siya manalo sa cainta nyan?
siya ang aking susunod na blog topic...
Post a Comment